NAGHIGPIT na rin ng seguridad sa Zamboanga City matapos pasabugin ang mosque na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng apat na iba pa Miyerkules lagpas ng hatinggabi.
Sinabi ni Zamboanga Peninsula Regional Police Director C/Supt. Emmanuel Luis Licup na binato ng granada ang mosque habang natutulog ang mga biktima sa loob. Nakatakda sanang magturo ng islam ang mga preacher sa mga batang Muslim sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City.
Ang pagsabog ay naganap tatlong araw matapos ang malagim na pagsabog sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong Linggo ng umaga.
Gayunman, naging maingat ang military na iugnay ang pagsabog sa twin blasts.
“Wala pang lead. Mahirap mag speculate kung magkaugnay ang pagsabog. Hintayin na lang natin matapos ang imbestigasyon,” sabi ni Licup.
Hindi tulad ng Jolo cathedral, wala umanong natanggap na anumang pagbabanta ang mosque o motibo bago ang pagsabog.
Agad nang isinagawa ang checkpoint sa lugar at police and military visibility upang maiwasan ang anumang karahasan.
Kinilala ang mga namatay na sina Habil Rex, 46, at Bato Sattal, 47. Apat sa mga sugatan at nasa Zamboanga City Medical Center ay sina Yasson Asgali, Yasson Asgali, Paulo Salahuddin, Albani Jikilani, at Amidz Kassara
213