SEKYU DEDBOL SA YEMENI

CAVITE – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 27-anyos na security guard matapos banggain ang kanyang minamanehong motorsiklo ng sasakyan ng isang Yemen national sa Dasmariñas City sa lalawigang ito.

Dead on the spot ang biktimang si Ray Mark Mollejon, binata, ng #23 Ed Bautista St., Brgy. Zone 4, Dasmariñas City.

Kinilala ang driver ng isang Kia Picanto na si Ahmed Ali Qasem Gaber, 38, ng Block 1, Lot 3, Istana II, Brgy. Malagasang 1-A, Imus City.

Ayon sa ulat ni P/MSgt. Rolando Figueroa ng Dasmariñas City Police, dakong alas-11:30 ng gabi noong Biyernes nang mangyari ang insidente.

Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo patungo sa direksiyon ng Dasmariñas proper ngunit pagsapit sa Don P. Campos Ave., Brgy. San Jose, Dasmariñas City nang banggain ito ng isang Kia Picanto na minamaneho ng Yemen national.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima sa kalsada na nagresulta sa agarang kamatayan nito.

Ngunit imbes na tulungan ay tinangkang tumakas ng suspek ngunit naharang ng ilang motorista na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing dayuhan. (SIGFRED ADSUARA)

109

Related posts

Leave a Comment