(NI AMIHAN SABILLO)
BALIK-NORMAL na ang sitwasyon sa Negros Oriental makaraan ang halos isang linggong patayan.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brig. General Bernard Banac, unti-unti nang bumabalik ang kaayusan sa mga bayan ng Sta. Catalina, Siaton, Dumaguete, Zamboanguita, Gihulbgab, Cablaon at Ayungon matapos ang pina-igting na seguridad ng Police Regional Office 7 sa tulong na rin ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Katunayan umano ay naaresto na ang ilan sa mga suspek ng serye ng pamamaslang, kabilang sina Edmar Amaro at Jojo Ogatis na miyembro umano ng NPA ar nahulihan ng baril at pampasabog.
Sila ay itinuro ng mga testigo na kasama sa grupong pumatay sa apat na pulis sa Ayungon noong July 18.
Tatlong suspek pa na naaresto sa Badian, Cebu ay wala pang kumpirmasyon kung sila ay kasama sa mga suspek na pumatay sa apat na pulis.
Matatandaan na itinaas na sa P5 milyong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuya para sa pagkaaresto ng mga suspek na pumatay sa apat na pulis na sina PCpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callao, Pat. Roel Cabellon, at Pat. Marquino De Leon sa Sitio Yamot, Brgy. Mabato in Ayungon , Negros Oriental.
154