SOLAR POWERED IRRIGATION SYSTEM: 2,500 EKTARYA MAKIKINABANG

solar

(NI FRANCIS SORIANO)

TARGET ngayon ni  Agriculture Secretary Manny Piñol,  ang pagpapatayo at pagpaparami pa nang Solar-Powered Irrigation System na layong patubigan ang nasa 2,500 ektaryang bukirin sa bansa.

Ito ay matapos na pormal nang inilipat sa pamamahala ng Caridad Norte at Sur Irrigators Association ang 140-panel Solar-Powered Irrigation System na nag-generate ng 30 to 37 kilowatts upang patubigan ang 50 ektaryang sakahan sa bayan ng Llanera , Nueva Ecija na natapos pa noong Mayo nakaraan taong.

Ayon sa kalihim, ang Solar-Powered Irrigation System Project ay makabagong teknolohiyang subok na at tunay na tatagal sa mahabang panahon kung saan ang layunin ay pagkakaroon ng maayos na patubig at mas malaking ani na umaabot sa 120 hanggang 150 kaban ng palay sa kada ektaryang sakahan.

Ipinangako din ng kalihim ang P5 milyong pautang mula sa DA Agriculture Credit Policy Council at pamamahagi ng libreng traktora at combined harvester sa samahan.

137

Related posts

Leave a Comment