SOUTH COTABATO P100-M NA ANG LUGI SA EL NINO

elnino1

NASA P110- milyon na umano ang naitalang pagkalugi sa pananim sa bayan ng Surallah, South Cotabato dahil sa epekto ng El Nino phenomenon.

Sinabi ni Surallah Municipal Disaster Risk Reduction and Management Action Officer Leonardo Ballon, nasa higit P100-milyon na ang nasisirang pananim na mais galing sa 14 barangay, at nasa halos P6.4-milyon naman ang iniwang lugi sa palayan galing sa 11 barangay dahil sa El Niño phenomenon.

Una na ring nagdeklara ng state of calamity ang anim na barangay dahil sa tag-tuyot na kinabibilangan ng Little Baguio, Canahay, Upper Sepaka, Buenavista, Moloy at Tubi-allah.

Maliban ditto. Halos wala ring supply ng tubig sa barangay ng Veterans, Talahik, Lamian, Canahay, Tubi-alah at Little Baguio.

Posible rin umanong magdeklara na ng state of calamity sa buong bayan ng Surallah para tugunan, sa pamamagitan ng kanilang calamity fund, ang sobrang tag-tuyot at malaking pagkalugi ng mga magsasaka.

297

Related posts

Leave a Comment