SURIGAO DEL NORTE NIYANIG NG 6.2 LINDOL

SURIGAO

(NI ABBY MENDOZA)

NIYANIG ng 6.2 magnitude ang Surigao del Norte Biyernes ng gabi bagamat walang naitalang pinsala magdudulot naman ito ng mga aftershocks.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) may kalakasan ang lindol na naramdaman din sa ilamg bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa talaan ng Phivols, naramdaman ang pagyanig alas 11:06 ng gabi noong Biyernes,  may lalim ito na 38 km na tectonic ang pinagmulan at ang sentro ay naitala sa bayan  ng Burgos.

Sa rekord ng Phivolcs,  ang pagyanig ay naramdaman din sa  Dinagat island na nasa Intensity V samantala Intensity IV ang naitala sa Butuan City, Agusan del Norte; Abuyog, Leyte; Tacloban City at sa bayan ng Hinunangan, San Francisco at  San Ricardo sa Southern Leyte.

Intensity lll naman ang sa Palo, Leyte; Borongan, Eastern Samar; Cebu City, Gingoog City at Misamis Oriental.

Intensity II ang naramdaman sa Argao City, Cebu, Intensity I sa Cagayan de Oro, Ormoc City at  Sarangani province

Sinabi ng Phivolcs na makakaranas ng mga aftershocks kung saan kahapon ay may 8 aftershocks na ang naramdaman na ang pinakamalakas ay 3.7 magnitude.

195

Related posts

Leave a Comment