SUSPEK NANG-AGAW NG BARIL PATAY, 2 PULIS SUGATAN

PINAIIMBESTIGAHAN ng Leyte Police Provincial Office (LPPO) ang pagkasugat ng dalawang tauhan ng Philippine National Police, isa rito ang malubhang nasugatan habang patay naman ang suspek na sinasabing nang-agaw ng baril sa loob mismo ng presinto sa bayan ng Javier sa Leyte.

Nabatid sa paunang imbestigasyon, kusang pumunta sa himpilan ng pulisya ang suspek sa kasong frustrated murder para sumuko dahil napag-alaman niya umano na may lumabas ng warrant of arrest para dakpin siya.

Ayon sa ulat na ibinahagi sa media ni Police Major Ronald Puso, hepe ng Javier Municipal Police Office, pansamantalang inilagay nila ang suspek sa kanilang holding area para beripikahin kung may natanggap na silang kopya ng warrant.

Sinasabing kasalukuyan namang nananghalian ang mga pulis

“Nagdala na siya ng food and stuff kasi gusto na raw niyang sumuko. Habang kumakain ng tanghalian ang limang tauhan, nang-agaw siya ng baril at nagpaputok,” ani Puso.

Sinasabing isa sa malubhang nasugatan ang isa sa mga pulis na nabaril sa dibdib habang ang isa naman ay tinamaan ng bala sa binti.

Nagawa namang makaputok ng isa pang pulis sa gitna ng kaguluhan at natamaan ang suspek na nagawa pang itakbo sa Rural Health Unit sa harap lamang ng himpilan ng pulisya subalit idineklarang patay na ito.

Agad nagpahayag si Leyte Police Provincial Office (LPPO) Director Police Col. Dionisio DC Apas Jr., na isolated case lang ito at inatasan niya ang kanilang hepe ng Provincial Investigation and Detective Management Unit na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.

“Please be assured of a thorough investigation to gather all relevant details concerning this incident. We remain dedicated to upholding peace and order throughout Leyte province, and incidents such as this are handled with the utmost seriousness and professionalism. We will provide further updates as soon as additional information becomes available,” ani Col. Apas. (JESSE KABEL RUIZ)

86

Related posts

Leave a Comment