PROTEKTOR MAPIPILAY SA POGO BAN

KUNG mayroong maapektuhan nang husto sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na pormal na ipinaba-ban ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay hindi ang sambayanang Pilipino, kundi POGO politicians at mga protektor nila sa gobyerno.

Ito ang pahayag ni House committee on dangerous drug chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers matapos ideklara ni Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, ang total ban sa POGO, legal man o ilegal at kailangang mawala na ang mga ito bago matapos ang taon.

“The total ban on Philippine Online Gaming Operators (POGO) ordered by President Ferdinand Marcos Jr. on Monday has effectively placed in disarray all POGO-linked politicians and other government officials or the so-called Makabagong Makapili who are banking on the online gaming firms’ financial support in the May 2025 elections,” ani Barbers.

Hindi na nagbanggit si Barbers ng pangalan ng POGO politicians at mga protector ng mga Chinese national na nagpapatakbo ng nabanggit na pasugalan sa bansa na sangkot din aniya sa iba’t ibang krimen tulad ng money laundering, tax evasion, torture, kidnap for ranson, human trafficking, murder at iba pang uri ng krimen.

Sinabi naman ni ACT party-list Rep. France Castro na walang silbi ang direktiba ni Marcos na total ban sa POGO kung hindi nito kayang panagutin ang mga taong tumayong protektor nito.

“Dapat may pagpapanagot sa mga mataas na opisyal na naging protektor at nakikinabang dito,” paliwanag ni Castro.

Tututukan naman umano ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para matiyak na susunod ang mga ito sa direktiba ni Marcos na kailangang wala nang POGO bago matapos ang taon. (BERNARD TAGUINOD)

172

Related posts

Leave a Comment