SUSPEK SA BOMBING, NAPATAY  

MAGUINDANAO – Patay ang isang lalaking suspek sa pambobomba makaraan umanong makipagbarilan sa militar at pulisya, iniulat nitong Huwebes sa lalawigang ito.

Kinilala ang napatay na suspek na si Saidon Kabot Nilong, miyembro AKP-Maguid Group, residente ng Lapu, Polomolok, South Cotabato.

Batay sa report ng Maguindanao-PNP, bandang alas-5:00 ng umaga nang isagawa ang operasyon laban sa suspek sa Rajah Buayan, Maguindanao.

Magkatuwang ang pulisya at mga miyembro ng 33rd Infantry Battalion sa pagtugis kay Nilong na isang notoyus na bomber at high value target, sa bisa ng warrant of arrest.

Ngunit nakatunog ang suspek sa presensiya ng mga operatiba kaya sinalubong niya ang mga ito ng putok.

Gumanti ng putok ang mga sundalo at pulis na ikinamatay ng suspek.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang mga kasama nitong mabilis na nakatakas. (ANNIE PINEDA)

64

Related posts

Leave a Comment