TERORISTANG ISEAP INAKO ANG PAGSABOG SA SULU

indanan sulu12

(NI AMIHAN SABILLO)

INAKO ng Islamic State’s East Asian Province (ISEAP) ang pagpapasabog ng dalawang suicide bomber sa lalawigan ng Sulu base sa inilabas sa social media na SITE. Siter tel group.com

Iniulat sa nasabing site na mahigit sa 100 ang nasawi at sugatan sa matagumpay umanong pagpapasabog ng dalawang  suicide bomber sa kampo ng militar sa Sulu, kasama pa sa inilabas ay ang larawan ng dalawang terorista na may hawak na flag ng ISIS.

Pero sa actual na report ng Philippine Army ay nasa lima ang kumpirmadong nasawi, tatlong sundalo at ang dawalang suicide bomber, habang 12 ang sugatan.

Ayon kay Maj. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom),” yung carrier (suicide bomber) ng bomba na yan kasama yun sa mga casualty, kasi dalawang explosion yan, yung isa(suicide bomber) unang nag-attempt na pumasok yan, and then yung SOP papasok dun sa kampo, may gate, meron tayong duty personnel.”

Sinabi pa ni Encinas na “ichecheck yan to find out, na meron ngang dala and then nai-manage pa rin naidetonate yung ano, yung dala nya, sumabog kaya yun namatay yung tatlo, isa sa, yung sa labas ng gate dalawa, yung isa sa loob patay yun, and then meron pa palang isa nakapasok, hindi naman talagang umano, basta naka-move forward, move forward dun sa gate pero na-neutralize naman kaagad then nakapagsabog pa rin kaya umabot sa 12 yung casualty.”

Sa lakas ng pagsambulat ay nagkalasug-lasog ang katawan ng mga sundalo, higit ng mga suicide bomber.

Samantala, inilabas ang mga pagkakilanlan ng mga nasawi na sina.
1. Pfc Dominique C Inte, ng Upper Sicpao, Sominot, Zambo del Sur.
2. Pfc Recarte D Alban Jr 905860 (Inf) PA – Dimataling, Zambo del Sur.
3. Cpl Richard  Macabadbad, 873078 (Inf) PA- Payatas, Fairview, QC.

Habang ang mga sugatan ay sina

1. SSgt Marlon B Domingo, Inf PA,
2.SSgt Ferdinand V Clemente, Inf PA,
3. Sgt Jykyl A Bautista (QMS) PA,
4.Sgt Richard B Tudla,14 SC PA,
5.Sgt. Mark Joseph M Mamingcol,  Inf PA,
6.Sgt. William E Andreade, CE PA,
7.PFC. John Angelo S Carpio, Inf PA,
8.PFC. Dariel C Bolivar, Inf PA,
9.PFC. Ralph R Sabroso,   Inf PA
10. Cpl. Rommel V. Soliman,Inf PA
11. PFC Ryan S. Ferrer,  Inf PA

Mahigpit na kinondena ng pamahalaan ang ginawa ng mga teroristang grupo.

108

Related posts

Leave a Comment