TUMATAKBONG KONSEHAL PATAY SA DRUG BUST

crime200

ISANG umano’y big-time pusher na tumatakbong konsehal ang napatay sa drug buy-bust sa Pilar, Sorsogon, Miyerkoles ng gabi.

Si Roy Lumbao, dating barangay chair ay napatay sa buy-bust operation sa barangay Binauahan, ayon kay acting regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Christian Frivaldo.

Nagbenta umano si Lumbao ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P18,000 sa isang undercover PDEA operative bandang alas-8:30 ng gabi.

Nang matunugan na operasyon ang nagaganap, agad binunot ni Lumbao ang kanyang

.45 caliber sa kanyang baywang kaya’t inunahan na siya ng mga pulis.

Si Lumbao umano ay isang high-value target at matagal nang under surveillance bago ang buy bust.

12

Related posts

Leave a Comment