PROBLEMA SA PHILHEALTH CLAIMS IDIDIGA KAY PBBM

UMAASA ang Private Hospitals Association of the Philippines na mapagtutuunan ng pansin ng incoming Marcos administration ang PhilHealth claims.

Isa kasi ito sa problema ng outgoing Duterte administration.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines President Dr. Jose Rene De Grano na umaasa siya na hindi magkakaroon ng problema ang operasyon ng mga private hospitals na aniyay masyadong nakasandal sa mga reimbursement sa mga claim ng PhilHealth.

Sa kabilang dako, sinabi ni Dr. De Grano na unti-unti nang nababayaran ng PhilHealth ang mga bayarin nito sa mga pribadong ospital. (CHRISTIAN DALE)

124

Related posts

Leave a Comment