PATAY ang provincial director ng Sulu Provincial Police Office makaraang pagbabarilin ng kapwa pulis na isang sarhento sa QCP Big Bites sa Brgy. Asturias, Jolo, Sulu nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ang biktimang si P/Col. Michael C. Bawayan Jr., Sulu PPO provincial director, may asawa, at residente ng Baguio City.
Kinilala naman ang suspek na si P/SSG Imran A. Jilah, nakatalaga sa 3rd MP, 2PMFC, 43-anyos, may asawa, at residente ng Kasalamatan Village, Brgy. San Raymundo, Jolo, Sulu
Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-4:20 ng hapon sa nabanggit na lugar.
Napag-alaman, habang iniinspeksyon ng biktima ang QCP nang biglang barilin ito ng suspek.
Gumanti naman ng putok ang mga tauhan ng biktima na nagresulta sa pagkakapatay sa suspek.
Mabilis na isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at inaalam pa ang posibleng motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.
210
