IMPOSIBLENG I-SWAB LAHAT

AMINADO ang Department of Interior and Local Government (DILG) na mahihirapan itong gawan ng swab test ang mga taong dumagsa sa iba’t ibang malls at vaccination sites sa Kalakahang Maynila nitong Huwebes.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya, na mahihirapan silang magsagawa ng contact tracing sa mga nagpunta sa mga lugar ng Maynila, Las Pinas at Antipolo at gawan ang mga ito ng swab test para masiguro na hindi infected sa COVID-19 dahil ang report mula sa Manila LGU ay inihatid ang iba sa mga ito ng bus.

At sila rin aniya ni DILG Sec. Eduardo Año ay nagbigay na ng direktiba kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, anti-cyber crime group, CIDG at iba pang mga unit ng Philippine National Police (PNP) para kaagad matukoy ang nagpakalat ng fake news. (CHRISTIAN DALE)

178

Related posts

Leave a Comment