MISTULANG ‘outside the kulambo’ na talaga si Manila Mayor Isko Moreno kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos patulan ng huli ang mga pasaring ng alkalde kaugnay sa bigayan ng ayuda.
Bagaman hindi pinangalanan ng pangulo ang opisyal at local government unit na kanyang binanatan ay malinaw naman sa publiko na ang alkalde ng Maynila ang tinutukoy nito.
Nauna nang binanatan ng pangulo ang palpak na pagbabakuna sa isang vaccination site sa lungsod ng Maynila kung saan makikita sa mga lumabas na larawan ang mga taong nakapila at naghihintay mabakunahan na nakalantad sa ulan at nababad sa baha.
Noong isang linggo, pinuna rin ng punong ehekutibo ang pagdagsa ng mga tao sa vaccination centers sa lungsod na tila nagsilbing superspreader dahil nagkagulo ang mga nais magpabakuna.
Bunga nito, inatasan ng Malakanyang ang mga opisyal ng local government units (LGUs) na magpatupad ng hakbang na magkokontrol sa pagdagsa ng tao sa COVID-19 vaccination centers.
Ang babala ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang kabiguan ng mga ito na maipatupad o gumawa ng hakbang sa bagay na ito ay malinaw na “dereliction of duty.”
Sa kabila ng mga puna ng pangulo, nagmatigas naman si Moreno na ipagpatuloy ang kanilang sistema sa pagbabakuna.
Isinisi rin ni Moreno sa isang tao (na hindi niya pinangalanan) ang reckless statement at naging banta nito dahilan para dumagsa ang mga tao sa vaccination sites sa Maynila.
Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte nitong Lunes, sinabi nito na ipinagkatiwala na niya sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamimigay ng ayuda sa mga residente ng isang alkalde dahil sa pagiging “disorganisado”.
Hinikayat din ng pangulo ang publiko na huwag iboto ang politiko na puro “drama”.
Binatikos din nito ang malaswang larawan ng local executive na nakabalandra sa Facebook.
“I saw on Facebook earlier, that stupid is wearing a bikini, then there’s one picture where he’s peeking at his sex organ,” ayon sa pangulo.
“That’s what you like? Trained like a callboy? Taking off his clothes in pictures? That’s the training to become president? Strip and take a picture and peek, brag about their sex organs like Paredes,” dagdag na pahayag nito na ang tinukoy ay ang kanyang kritiko na si singer-songwriter Jim Paredes, na nagkaroon ng sex video na nag-viral noong 2019.
Si Moreno naman ay artistang gumanap ng sexy roles sa pelikula bago pumasok sa pulitika.
260 