PSC KINALAMPAG SA ALLOWANCES NG PINOY ATHLETES

KINALAMPAG ni Senador Christopher Lawrence Go ang liderato ng Philippine Sports Commission (PSC) para ipamahagi ang allowances ng mga national athletes.

Ayon sa senador, maraming sumbong at reklamo ang nakarating sa kaalaman nito na nababalam ang allowances ng mga atleta at coaches ng ilang buwan.

“May mga natatanggap akong reklamo tungkol sa delayed na pagbigay ng mga allowances ng ating mga athletes at coaches para sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo. Ngayon ay Agosto na.

Tinatawagan ko ng pansin ang pamunuan ng PSC kung maaaring tingnan ang reklamong ito.

Ayusin ang dapat ayusin at ibigay ang dapat ibigay,” panawagan ni Go sa PSC.

Aniya, nasa gitna ng isang pandemya ang bansa at nahihirapan ang lahat at katulad ng  mga atleta at coaches ay dapat tulungan dahil nagdadala ang mga ito ng karangalan sa bansa.

“Alam kong hirap din kayo sa inyong mga pondo dahil sa mababang remittances mula sa PAGCOR.

Nabawasan na nga kamakailan ang kanilang mga monthly allowances, sana huwag naman ma- delay pa,” apela ng senador.

Si Go, chairman ng Senate Commitee on Sports, batid nito na agad na aaksyon ang PSC  para matulungan g ang mga atleta. (NOEL ABUEL)

173

Related posts

Leave a Comment