Publiko hinimok ng Palasyo MANATILI SA BAHAY SA HOLY WEEK

HINILING ng Malakanyang sa mamamayang Pilipino na gawin ang tradisyunal na pag-obserba ng Mahal na Araw para sa taong ito.

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang mga panahong wala talagang lumalabas kapag panahon ng Mahal na Araw lalo na kapag Biyernes Santo.

Aniya, malaking bagay ito lalo pa’t sinisikap ng pamahalaan na mapababa ang bilang ng mga nadaragdag na kaso ng COVID-19.

Kaya ang hiling ni Sec. Roque sa publiko ay huwag na lang munang lumabas bilang pakikiisa na rin sa nakagawiang paggunita ng Holy week na siya naman aniya talagang paraan ng pag-oobserba sa nabanggit na okasyon.

“So without forcing anyone to stay indoors, we are requesting everyone na ang traditionally naman talaga, noong mga unang panahon, talagang walang lumalabas kapag panahon ng kuwaresma. So sana ngayon na lang po ang gawin natin nang mapababa natin ang numero,” aniya pa rin.

Samantala, inaasahan naman ng Malakanyang na 25 percent ang matatapyas sa daily recorded COVID cases ngayong ipinatutupad ang mas mahigpit na hakbang sa mga nagsisipag- labasan at makatutulong aniya ang ilang araw na kuwaresma kung i-oobserba lang ang nakaugaliang pag-alaala rito.

“Well, ang tingin po namin it is a realistic goal for the next two weeks. Remember two weeks lang po ito and we hope we can sustain the gains afterwards. Pero this is a minimum goal po. We are aiming for more at we are hoping na dahil Holy Week nga po at wala na pong lalabas ngayon ng Metro Manila eh lahat na lang po ay manatili sa ating mga tahanan,” anito. (CHRISTIAN DALE)

157

Related posts

Leave a Comment