INIHAYAG kahapon ni Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., hindi nila kukunsintihin at magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon sa pagkakasangkot ng isang military officer at isang sundalo sa gun smuggling.
“We do not tolerate any illegal activity perpetrated by anyone from the organization. They are the stains that should be removed to maintain the clean reputation of the Armed Forces of the Philippines,” ani Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr.
“Nevertheless, the AFP will still conduct our investigation and observe due process. Once proven guilty, the two will subsequently be discharged from the regular service of the Armed Forces of the Philippines and will face the appropriate charges under the rule of law,” pahayag pa Lt. Gen. Vinluan, Jr. kaugnay sa dalawang tauhan ng ARESCOM na nahuli sa entrapment operation.
Kinilala ang mga nadakip na sina Captain Christopher Galvez Eslava, 41, ng Cabilao, Makilala, North Cotabato, at Corporal Ryan Laure Larot, 35, residente sa Purok Gemelina, Barangay Banali, Pagadian City.
Ang dalawa ay nadakip sa ikinasang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng PNP at AFP sa Purok Gemelina, Sanito, Ipil, Zamboanga Sibugay Province bandang alas-12:15 ng madaling araw, kaugnay sa kanilang gun smuggling activities.
Nakumpiska sa posisyon ng dalawang sundalo ang isang caliber 5.56 M4 Colt carbine, isang Daniel Defense 5.56mm M4, isang cal. 5.56M4, TRIARC System, dalawang Glock19 9mm pistol, isang rifle grenade, tatlong 40mm grenade, anim na M16 magazines, tatlong cal. .40 magazines at P1.2 million boodle money.
Siniguro naman ni Vinluan ang due proces para sa dalawang nahuling sundalo na kasalukuyang nakakulong sa Ipil Municipal Police Station. (JESSE KABEL)
