HAWAK na ng Manila Police District-Homicide Section ang isang pulis Maynila na umano’y sangkot sa pagpatay sa isang 34-anyos na Chinese national na pinaulanan ng bala habang lulan ng asul na sasakyang Subaru sa Malate, Manila noong Lunes ng hapon, Agosto 2.
Ang nasabing pulis Maynila ay may apelyido umanong “Orion” na siyang nagmaneho ng motorsiklo, habang tinutugis pa ang gunman.
Gayunman, ayaw magbigay ng iba pang detalye si Det. Jorlan Taluban habang patuloy na iniimbestigahan ang kaso.
Nauna rito, habang lulan ng asul na Subaro (HW-1708) ang biktimang si Naiquian Yuan, residente ng Jerico St., Multinational Village, Parañaque City, nang tambangan ito ng magka-angkas sa motorsiklo sa panulukan ng M.H. Del Pilar at Aldecos streets sa Malate ng bandang alas-3:55 ng hapon.
Bumaba umano sa ‘di kalayuan sa lugar ang backride ng motorsiklo habang nagmistulang backup si Orion. (RENE CRISOSTOMO)
179 