PULIS NA MATUTULOG SA PANSITAN, BINALAAN

pulis

BINALAAN ni Manila Police District Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang kanyang mga tauhan na huwag tutulog-tulog sa oras ng kanilang duty ngayong Christmas Season

Ayon sa heneral, kapag nahuling natutulog sa oras ng trabaho, papatawan ang pulis ng karapat-dapat na parusa, lalo na ang mga nakatalaga sa gabi dahil malaking responsibilidad ito, sapagkat sila lamang ang inaasahan ng ating mga kababayan.

Ayon kay Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information office (PIO) ng MPD, halos wala nang pahinga ang kanilang District Director masigurado lamang ang seguridad sa Kamaynilaan, kung kaya’t ninanais niyang ugaliin din ito ng bawat pulis nang sagayon ay mas matiyak ang maayos at ligtas na kapaligiran.

Matatandaan na kamakailan ay tatlong pulis ang nahuling natutulog sa loob ng Lawton Police Community Precinct.

Binigyang babala ang mga ito na huwag nang uulitin ang nangyari at inilipat sila sa ibang presinto.

Laging iniuutos ni General Dizon ang pagbabantay ng 24/7 para sa seguridad ng mga Manilenyo na magsisimba, mamimili ng mga pamasko at mamamasyal sa Manila.

Iniutos din nito na ipatupad ang kanyang direktiba na patuloy na pagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation at Oplan Galugad sa kanyang nasasakupan. (RENE CRISOSTOMO)

251

Related posts

Leave a Comment