PULIS TODAS SA SARILING BARIL

BATANGAS – Binawian ng buhay ang isang pulis makaraang aksidenteng pumutok ang kanyang baril sa bayan ng San Pascual sa lalawigang ito, noong Martes ng tanghali.

Kinilala ang biktimang si P/Capt. Joval Lopez, 36, nakatalaga sa PNP CES, Camp Crame.

Ayon sa San Pascual Police, dumating ang biktima sa kanilang bahay sa Barangay Del Pilar sakay ng kotseng Mitsubishi Lancer.

Inihayag ng kapatid na babae na si Marshel Lopez, bago bumaba habang nakaupo sa driver’s seat ay inilabas ng biktima ang kanyang service firearm na cal. 9mm pistol Glock 17 para alisan ng bala at magazine.

Ngunit biglang pumutok ang baril at tinamaan ng bala sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Dagdag ni Marshel, palaging ginagawa ng biktima na i-safety ang kanyang baril kapag dumarating dahil maraming mga batang pamangkin na nakatira sa kanilang bahay. (NILOU DEL CARMEN)

497

Related posts

Leave a Comment