Pumagitna sa away ng 2 kapatid KUYA SINAKSAK SA LEEG

CAVITE – Mismong ang menor de edad na nakababatang kapatid ang kumitil sa buhay ng isang 26-anyos na factory worker na pinagsasaksak ng suspek nang pumagitna ang biktima sa away nilang magkakapatid sa General Mariano Alvarez (GMA), noong Lunes ng gabi.

Isinugod sa Carsigma Hospital ang biktimang si Anthony Battaler ng Brgy. Pulido, GMA, Cavite subalit hindi umabot nang buhay dahil sa saksak sa leeg.

Hawak na ng pulisya ang suspek na si alyas “Warren,” 17-anyos, ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Bobbie Balazo ng GMA Police Station, dakong alas-7:45 noong Lunes ng gabi nang mangyari ang insidente sa bahay ng magkakapatid sa Brgy. Pulido, GMA kung saan nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang suspek at kapatid nitong si Melissa Abalos.

Upang hindi na humaba ang pagtatalo ng dalawa, namagitan si Anthony na ikinagalit ng nakababatang kapatid kaya kumuha ng kutsilyo at pinagsasaksak sa leeg ang biktima na nagresulta sa pagkamatay nito.

Hawak pa ang kutsilyo ng binatilyo nang aresthin ng mga pulis. (SIGFRED ADSUARA)

369

Related posts

Leave a Comment