Pwede nang lumabas sa areas na GCQ, MGCQ BATA BAWAL PA RIN SA MALL

PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na lumabas sa “outdoor areas” ang mga bata o ang mga chikiting na may edad 5 pataas sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) at general community quarantine (GCQ) maliban sa mga “heightened restrictions”.

“Ano ba ang outdoor areas, ayon sa IATF kasama rito ang parks, playgrounds, beaches, bikings at hiking trails, outdoor tourist sites at attractions. Ayon sa Department of Tourism, outdoor non-contact sports courts at venues, at al-fresco dining establishments na matatagpuan sa aking mga binanggit na mga lugar,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Ang mixed-use indoor/outdoor buildings at facilities tulad ng malls at katulad na establishments ay hindi kasama sa pinayagang outdoor areas para sa mga bata.

Dagdag pa rito, ang mga bata ay kinakailangan na nababantayan ng matatanda at kinakailangan din nilang mag-observe ng minimum public health standards, katulad ng pagsusuot ng face masks at social distancing.

Maaaring taasan ng local government units (LGUs) ang nasabing age restriction sa mga bata ayon sa COVID-19 situation sa kanilang lugar. (CHRISTIAN DALE)

241

Related posts

Leave a Comment