QUARANTINE FACILITY SA QC, PUNO NA

HINDI lang mga bed capacity sa mga ospital ang napupuno ngayon ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 kundi maging ang ilang quarantine facilities kabilang na ang HOPE 1 at HOPE 2 sa Quezon City.

Sa inilabas na report ng Department of Health (DOH), hanggang nitong Hulyo 12, ang HOPE 1 quarantine facility ay umabot na sa full capacity para sa COVID-19 positive at suspected patients.

Sa nasabi ring petsa, lahat ng beds ng HOPE 2 quarantine facility ay okupado na ng mga kumpirmado at pinaghihinalaang pasyente ng COVID-19.

Ang mga nasuri na sa community-based testing ng lungsod ay dinadala sa HOPE 2 para sa self-isolation, habang naghihintay sila ng resulta.

Samantala, ang HOPE 3 facility ay binuksan kamakailan para tumanggap ng kumpirmado at pinaghihinalaang COVID-19 nursing mothers at kanilang babies.

Ang pasilidad ay may 84 beds, cribs, bassinets at iba pang pangangailangan ng mga sanggol.

Ayon pa sa report ng DOH, hanggang Hulyo 2, ang HOPE 3 ay may 14 pang bakanteng kama para sa kumpirmado at hinihinalang COVID-19 patients.

Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 hanggang Hulyo 12 sa Quezon City ay sumampa na sa 4,421.

Nakapagtala naman ang QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices ng kabuuang bilang ng validated cases na 4, 314.

Nakapagtala rin ito ng karagdagang 31 recoveries kaya mayroon na itong kabuuang bilang ng mga gumaling na 2,415.

Ang mga nasawi naman ay nadagdagan din ng isa kaya umakyat na sa sa 257 ang kabuuang bilang nito. (JOEL O. AMONGO)

132

Related posts

Leave a Comment