RALLY NG PASIG PINIGIL NG MANILA

PINIGIL ng Manila ang paghahabol ng Pasig, habang isang come-from-behind win naman ang naitala ng Makati laban sa Bulacan sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season quarterfinal round, Martes ng gabi sa San Andres Sports Complex.

Mula sa 12-point lead na bumaba sa apat sa huling 35 seconds, nagtulong sina Gabby Espinas at Gian Abricos sa tig-2 charities tungo sa 91-88 win ng Manila Stars kontra Pasig Sta. Lucia Realtors sa best-of-three series.

Naghahabol naman mula sa anim na puntos sa final quarter, umatake ang Makati Super Crunch ng 14 points, pito mula kay Juneric Baloria tungo sa 94-88 win.

Ang Stars at Super Crunch ay pipiliting magtala ng isa pang panalo sa Pebrero 22 sa Makati Coliseum, upang makaabante sa North division semifinsla.

Nanguna si Carlo Lastimosa ng 23 points mula sa 71.4% clip (sa field) para sa Manila, ranked second matapos ang round-robin elims. Nagdagdag si Espinas ng 11 points at four rebounds, habang si Abrigo at si Jollo Go ay nagposte ng tig-siyam na puntos.

Umiskor naman si Jeric Teng ng game-high 30 points, may seven rebounds at five assists, nagdagdag si Josan Nimes ng 19 points at 18 mula kay Leo Najorda para sa Realtors.

Ang Makati, no. 3 seed ay may bentahe na ngayon laban sa No. 7 Bulacan, na nagawa pang dumikit ng dalawang puntos sa laro sa pamamagitan nina JR Alabansa at Oliver Arim.

Pero, agad bumawi ang Makati nang magtulong sa 11 puntos sina Joseph Sedurifa at Joshua Torralba tungo sa 13-point lead, 94-81, 32 seconds sa laro.

May 20 points si Baloria para sa Makati, na gumamit ng mahigpit na depensa sa dulo, habang nagsumite sina Sedurifa at Cedric Ablaza ng tig-17 at may 15 points naman si Torralba. (VT ROMANO)

215

Related posts

Leave a Comment