RANDOM DRUG TEST NG LTO SA MAKATI 7 PUJ DRIVER BUKING NA ADIK

POSITIBO sa paggamit ng ilegal na droga ang pitong jeepney driver na bumibiyahe sa Makati City.

Ito ang nabatid makaraan ang isinagawang sopresang drug test ng LTO, Makati City Police at Makati Anti Drug Abuse Council (MADAC) nitong Miyerkoles sa mga jeepney driver na may rutang Guadalupe-Leon Guinto/Taft Ave. at Kalayaan Avenue.

Ito ay kaugnay sa pagkamatay ng isang estudyente at ikinasugat ng iba pa makaraang araruhin ng isang bangag na jeepney driver sa harap ng Makati City Science High School noong Pebrero 12.

Napag-alaman, umabot sa 58 jeepney driver ang inimbitahan ng mga awtoridad sa kanto ng Pasong Tirad St. para isailalim sa drug test kaugnay sa Anti-Drunk and Drugged Driving Campaign.

Kinilala ni Makati City Chief of Police P/Col. Rogelio Simon ang mga driver na nagpositibo sa paggamit ng umano’y shabu na sina Jimmy Fontanilla, Rogelio Amazona, Jessie Daep, Nelson Lumanta, Ryan Gara, Enrico Lacarto, at Joel Ayes.

“This is a pro-active intervention para hindi na mangyari uli ang disgrasya na nangyari last Feb 12 and to assure the safety ng lahat ng sumasakay at mga tao na nasa kalye,” sabi ni Col. Simon.

Sinabi pa ni Col. Simon, ang lahat ng driver na nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga ay aarestuhin at idaraan sa confirmatory test bago ipaghaharap ng sakdal sa pikalya. (DAVE MEDINA)

 

214

Related posts

Leave a Comment