QUEZON – Isang local performer ang inaresto ng mga pulis sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Lucena City kahapon ng madaling araw.
Hindi na nakapalag nang lagyan ng posas ng mga awtoridad ang suspek na si Kristoffer Garin Manlangit, 34, rapper, ng Barangay Gulang-Gulang.
Isinagawa ng mga tauhan ng Quezon PNP, PDEA at Lucena police station ang operasyon alas 2:00 ng umaga sa Barangay 11 kung saan lulan pa sa kanyang motorsiklo ang suspek nang bumili ang isang poseur buyer ng ilang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Nabawi mula sa suspek ang pitong pang sachet ng dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P5,000.
Nakapiit sa Lucena City police station custodial facility si Manlangit at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nabatid sa pulisya na ang suspek ay no. 6 sa talaan ng regional watchlist ng mga drug personalities sa Region 4 o Calabarzon. Nilou del Carmen
