Record-breaking mula pa 1986 P59.9-B KITA PARA SA ISANG BUWAN

MULING nilagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang sariling record-high katumbas ng buwanang koleksyon ng buwis at taripang nalilikom mula sa mga pumapasok at lumalabas na kalakal sa bansa.
Sa ulat ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa Department of Finance (DOF), ibinida ang P59.9-bilyong koleksyon nito para lamang sa buwan ng Setyembre sa kabila pa ng umiiral higpit sa Inter-Agena paghincy Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya.
Ani Guerrero, higit na ma­taas ng 5.3% sa target na P59.6 bilyon ang kanilang nakolekta para sa buwan ng Setyembre. Sa datos ng DOF, ang P59.9-bilyong koleksyon para sa buwan ng Setyembre ay 12% mas mataas kaysa sa koleksyon para sa buwan ng Agosto at 18% mas mataas kaysa sa naitalang kita ng kawanihan sa buwan ng Setyembre ng nakalipas na taon.
Lumalabas din sa pagtatala ng DOF na higit sa target ng kawanihan ang nalikom mula pa buwan ng Enero.
Gayunpaman, walo lang sa 17 district collection offices ng BOC ang lumagpas at nakaabot sa kanilang target collection. Ito ay ang mga pwerto sa Limay, Maynila, San Fernando, Zamboanga, Davao, Iloilo, Legaspi at Clark.
Kumpiyansa naman si Guerrero na kanilang mahihigitan din ang P616.749 bilyong target collection ng BOC para sa kasalukuyang taon matapos makapagtala ng kabuuang P472.204 bilyong kita sa unang siyam na buwan ng taon.
“BOC’s positive revenue collection performance is attributed to the improved valuation and intensified collection efforts of all the ports, improvement of importation volume and the government’s effort in ensuring unhampered movement of goods domestically and internationally considering the pandemic situation,” saad ng BOC sa isang pahayag.
187

Related posts

Leave a Comment