BOLUNTARYONG sumuko ang driver ng motorsiklong ginamit ng gunman sa pagpatay sa security escort ni Manila Mayor Isko Moreno sa Tondo.
Ang biktima ay kinilalang si George Capistrano, isang retiradong pulis na nagsisilbing escort ng alkalde.
Ayon sa ulat, sumuko ang driver na si Leegem Bulalacao matapos maglabas ng 48-oras na ultimatum at mag-alok ng P500,000 reward si Moreno.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni “Biboy” na hindi niya alam ang planong pagpatay.
“Hindi ko po alam na papatay siya… kung alam ko lang, hindi ako sasama,” aniya.
Kinilala naman ang gunman na si Albert Magdaraog na nananatiling nagtatago.
Malaki ang naging papel ni retired SPO2 Bernie Espinosa sa pagsuko ni Bulalacao matapos niya itong kausapin at sunduin pa sa Pampanga.
Nagpasalamat si Moreno sa kooperasyon ng suspek na makatutulong sa pagresolba ng kaso at paghuli sa gunman.
(JOCELYN DOMENDEN)
77 