CAGAYAN de Oro City – Nagkalasog-lasog ang katawan ang isang lalaki makaraang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa kasalubong na sasakyan ng bise-alkalde, iniulat nitong Linggo ng umaga sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktimang si Fernando Jagling Jr., nasa hustong gulang at residente sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng Pick-up Montero na kinilalang si Erick Manalondong, driver ni El Salvador City Vice Mayor Engr. Agripino Estrada.
Batay sa report ng El Salvador City Police Station, nangyari ang insidente sa Brgy. Taytay ng nasabing lungsod.
Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang Raider motorcycle nang bigla na lamang siyang sumalpok sa sasakyan na minamaneho naman ni Manalondong.
Matinding napinsala ang ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Manalondong. (ANNIE PINEDA)
