Upang suportahan ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan na makontrol ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, ang National Parks Development Committee (NPDC) ay nag-adjust ng kanilang visiting hours sa Rizal Park at Paco Park. Simula Biyernes, Marso 19, 2021 at epektibo hanggang sa ito ay mabago, ang parehas na parke ay maglilimita ng kanilang operating hours mula ala-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at magbubukas lamang sa park goers na may edad 18 hanggang 65 taong gulang na mayroon aktibidad para sa kanilang pag-eehersisyo.
Bilang pagsunod sa pag-uutos ng IATF at ng Department of Tourism, ang mga magtutungo sa mga nasabing parke ay kinakailangang magsuot ng kanilang face masks at face shields upang makapasok. Ang mga personal protective equipment ay maaari lamang tanggalin kung sila ay nasa intense physical exercise at kung mamamantina ang distansyang six feet sa iba. Hinihimok ang park goers na mag-download at mag-register sa StaySafe.PH mobile application upang magkaroon ng contactless contact tracing sa pagpasok sa Rizal Park at Paco Park.
Pinaaalalahan ang park goers na huwag nang pumunta sa mga parke kung hindi maganda ang kanilang mga pakiramdam o may mga sintomas ng COVID-19, o kung sila ay nagkaroon ng close contact sa ibang taong nagpositibo sa nasabing sakit. Ang mga marshal ay nasa site rin upang i-assist ang park-goers sakaling maging iba ang pakiramdam ng mga ito.
Inaasahan ng NPDC ang kooperasyon ng publiko sa anunsyong ito upang magpatuloy sila sa pagbibigay ng ligtas na lugar para makapag ehersisyo Rizal Park at Paco Park, at mamantina nila ang kanilang physical at mental wellbeing sa gitna ng pandemya.
