ROBIN PADILLA NAG-SORRY SA HANASH SA ABS-CBN PERO HULI NA

ronnieBAGAMA’T nag-sorry rin agad, nai-post na ni Robin Padilla ang sana’y sinarili na lang niyang damdamin toward ABS-CBN.

Unang-una, walang kinalaman sa renewal ng prangkisa ng istasyon ang hanash ng action star, kundi may kaugnayan sa labor issues ng mga kawani nito. Out of line, ‘ika nga.

Ang nakakatawa pa, hinihingi nya ang pang-unawa ng publiko coming from an ex-convict who allowed his emotions to get in the way of such a thing na utak sana niya ang kanyang pinairal.

Pero nasabi na ang hindi dapat sabihin. The harm has been done, ‘ika nga.

Poor ex-convicts, idinamay pa ni Robin sa takbo ng utak niya as if they all think and behave the same way he does. Such a sweeping statement na tiyak aalmahan ng mga tulad niya whose lives have been reformed.

Now let’s talk about the repercussions of his post.

As a consequence, it’s Robin’s doing that he’d fall from grace. Maaaring hindi lang TV career niya ang madamay but also his wife Mariel’s and his other relatives’, hindi man lang niya isinaalang-alang ang katayuan ng mga ito.

Kunsabagay, stable at established na si Robin that he doesn’t have to work his butt. Pero mas kailangan niya ang istasyon more than the latter needs him.

What if, just what if patuloy ang ligaya sa darating na buwan? Good for most of its stars, but bad for Robin. Equally bad for his ilk.

Masyado kasing nagpapaka-profound si Robin, gayong ang mga naturingan ngang directly affected sa mga problema nila with ABS-CBN ay tahimik lang.

“Feeling hero syndrome” ba ang maaaring itawag dun na wala naman sa tamang lugar?

NAALALA tuloy namin ang mapait na karanasan ng mga taga-production noong gumawa ng serye si Robin sa GMA, ang TV adaptation ng Joaquin Bordado.

That was many years ago, too long pero ‘di namin makalilimutan ang kuwentong “nagwala” si Robin na ikinatakot ng mga editing staff sa isang palapag sa main building ng istasyon.

In fairness, nakatutok si Robin maging sa editing ng serye. Kumbaga, he’d strive for perfection kahit sa maliliit na mga detalye nito.

May hindi yata nagustuhan si Robin. Hell broke loose habang nagsipagtago ang mga nahintatakutang tao sa production na baka masampolan ng bangis ng action star.

Nagresulta ‘yon with someone from the creative department who vowed never to work with Robin again. Ganoon daw pala ang work ethic nito.

Ang ending, ‘yun ang una at huling pagkakataong nakapagtrabaho si Robin sa GMA. Hindi na nasundan.

“Burado” na sa kamalayan ang gumanap bilang Bordado, which is a likely recurrence sa ABS-CBN naman.

 

164

Related posts

Leave a Comment