Sa akusasyong illegal logging DATING TANOD SINAMPAHAN NG CYBER LIBEL NG KAPITAN

QUEZON – Nagreklamo ng cyber libel ang isang kapitan ng barangay matapos akusahan sa social media ng umano’y pagkasangkot sa illegal logging ng isang dating tanod sa Tayabas City.

Personal na humarap sa himpilan ng pulisya noong Lunes ng hapon, Hunyo 9, ang biktimang si “Rudy”, 56-taong gulang na kapitan ng Barangay Alitao, at ini-report ang serye ng umano ay mapanirang-puri at malisyosong post laban sa kanya.

Ayon dito, nagsimula ang paninirang-puri noong Marso 12, 2025, alas 9:30 ng gabi, kung saan nag-post ang suspek na si “Liberato”, dating barangay tanod sa ilalim ng kanyang termino, sa Facebook account nito at ibinahagi pa ito sa Facebook group na “TAYABASIN AKO.”

Nakasaad sa post ang akusasyon na “KAPITAN NG ALITAO AT ISA KAGAWAD NIYA ANG SALUT NG BANAHAW WALA MAN LANG NAG IIMBISTIGA SA MGA KALOKOHAN NG MGA YAN NAPATAWAG NA PO YAN NG PINAKA MATAAS NA DENR NG PAMBI DOLORES NG NUNG NKARAAN WALA PARIN TIGIL PAG HAHAPAY NG PUNO KAHOY KALIMITAN AY NARRA PA HINAHAPAY.”

Patuloy umanong nag-post ng paninirang-puri ang suspek hanggang Mayo 27, 2025, na nakita ng publiko, dahilan upang magsampa ng kaso ang kapitan sa paglabag sa Section 4(c) ng RA 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012” at Article 364 ng Revised Penal Code.

Kasalukuyang inihahanda ang criminal complaint laban sa suspek para isumite sa City Prosecutor’s Office.

(NILOU DEL CARMEN)

42

Related posts

Leave a Comment