MAHIGIT 3K KRIMINAL NAARESTO NG PRO3 SA 5 BUWAN OPERASYON

NAKAPAGTALA ng mahigit sa 3,674 kataong naaresto ang Police Regional Office 3, sa limang buwang operasyon kontra kriminalidad.

Sinabi ni PRO 3 Director Police Brig. General Jean Fajardo, may kabuuang 783 most wanted persons habang 2,891 wanted person ang kanilang nahuli mula Enero 10 hanggang Hunyo 8, 2025 taong kasalukuyan.

Kabilang sa mga arestado ang 35 most wanted person na may kasong pamamaslang, 155 naman sa kasong panghahalay, 24 sa pagnanakaw, 124 may kaugnayan sa droga, habang 445 ang may iba’t ibang kaso.

Kaugnay nito, pinuri ni Fajardo ang kasipagan at dedikasyon ng mga tauhan ng PRO3, dahil sa mabilis na aksyon.

Aniya, ang naturang tagumpay ay patunay ng masigasig na paglilingkod ng PRO3 sa ilalim ng liderato ng PNP sa pamumuno ni PNP chief, PGen. Nicolas D. Torre III.

(TOTO NABAJA)

28

Related posts

Leave a Comment