INIHAYAG ng pamahalaang lungsod ng Malabon na maaari nang iparehistro ng kanilang mga magulang ang mga batang edad 12-17 taon para sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Hinihikayat ang mga nanay at tatay na sagutan ang online pre-registration form gamit ang link na: https://bit.ly/Malabon12-17Vaccination .
Ayon sa City Hall, bahagi ito ng paghahanda habang hinihintay na dumating ang mga supply ng bakuna para sa nasabing age group.
Hanggang Setyembre 27 ay 20,364 ang positive cases sa Malabon, 499 dito ang active cases, 19,248 ang recovered patients at 617 ang COVID death toll. (ALAIN AJERO)
423 