Sa bastos na learning modules PUBLISHER AT AUTHOR PARURUSAHAN

IKINAKASA na ng House committee on public account ang rekomendasyon na kasuhan at parusahan ang mga may-akda at publisher ng mga bastos na learning materials at self-learning modules.

Ito ang nabatid sa komite matapos uminit ang ulo ng mga mambabatas sa modules sa Region 3 partikular na sa Mabalacat, Pampanga na naglalarawan sa isang aswang na “gising sa gabi para maghanap ng “makaka..tot” o maaaswang.

“The Mabalacat learning module that contained vulgarity is very alarming. While DepEd officials boasted that they corrected the error, it pains us to learn that the culprit has not been punished,” ayon sa komite.

Base sa imbestigasyon ng komite noong Lunes, ang nasabing module ay itinuro sa mga Grade 10 na edad 15 hanggang 16-anyos kaya naalarma nang husto ang mga mambabatas.

Hindi lumabas sa pagdinig kung sino ang gumawa ng module at kung sino ang nag-imprenta nito subalit ayon sa isang opisyal ng Department of Education (DepEd), hahanapin nila ang mga ito para patawan ng parusa.

“What he or she did was intentional, glaringly malicious and utterly despicable,” ayon pa sa komite kaya irerekomenda ng mga ito sa kanilang committee report na parusahan ang mga ito.

Ang Kongreso ay walang kapangyarihan maghain ng kaso laban sa sinoman na kanilang iniimbestigahan subalit maaari silang magrekomenda kung anong kaso ang dapat ihain.
(BERNARD TAGUINOD)

127

Related posts

Leave a Comment