INANUNSYO ng Philippine National Police (PNP) kahapon ang pagpapatupad ng gun ban sa siyudad ng Davao at sa National Capital Region (NCR) kaugnay ng inagurasyon nina President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at VP-elect Sara Duterte.
Sinuspinde na ng PNP ang Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa Davao City mula June 16 hanggang 21 para sa inagurasyon ni Duterte sa June 19.
Sa NCR naman ay paiiralin ito mula June 27 hanggang July 2 para sa sa inagurasyon ni Marcos Jr. sa June 30, ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon.
Paliwanag ni De Leon, ito ay bahagi ng security preparations para sa dalawang makasaysayang kaganapan.
Bukod sa pagkumpiska sa mga baril at pag-revoke sa PTCFOR ng mga lehitimong gun owner na mahuhuling lumabag sa suspensyon, sasampahan din ang mga ito ng kriminal na kaso. (JESSE KABEL)
233
