Sa loob ng 22 araw 16 PATAY SA COVID SA CALOOCAN

UMABOT sa 16 ang namatay sa COVID-19 sa loob ng 22 araw sa Caloocan City, ayon sa ulat ng City Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit.

Mula sa 1,613 noong Nobyembre 28, pumanhik sa 1,629 ang COVID death toll sa lungsod noong Disyembre 20 at bumaba naman sa 32 ang active COVID cases mula sa dating 83.

Pumalo na sa 62,150 ang mga tinamaan ng COVID sa siyudad, at sa nasabing bilang ay 60,489 na ang gumaling.

Ayon naman sa Malabon City Health Department, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 at walang naitalang gumaling noong Disyembre 20. Sa kabuuan ay nananatili sa 21,303 ang positive cases sa Malabon, siyam dito ang active cases, 20,642 ang recovered patients, at 652 ang COVID death toll.

Wala ring namatay at walang naitalang gumaling at nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City hanggang alas-12:00 ng tanghali noong Disyembre 20. Nanatili sa 17,637 ang total cases sa fishing capital, 17,088 ang gumaling, 545 ang namatay at apat ang active cases.

Noong Disyembre 17 pa nang huling maglabas ng COVID-19 cases update ang Valenzuela City. (ALAIN AJERO)

103

Related posts

Leave a Comment