ISANG batalyon ng mga sinanay na “tracker” ang magiging susi sa paghinto ng pagkalat ng COVID-19 pandemic sa mga lugar na sumailalim mula sa enhanced community quarantine (ECQ) patungong general community quarantine (GCQ).
Ito ang panawagan ni Senador Nancy Binay dahil maaari aniyang tumindi ang pagkalat ng virus sa mga isinailalim na sa GCQ.
“Habang tumatagal, numinipis ang hanay ng ating health workers pati na ang ating mga taong inaasahan sa barangay. The first step once ECQ is lifted is to see to it that the LGU is ready and well-equipped when it comes to tracking possible carriers who have been exposed to infected people. It is best that we come prepared and start training an army of contact tracers as we transition from ECQ to GCQ,” paliwanag pa ni Binay.
Idinagdag nito na ang contact tracing ay isang mahalagang kagamitan sa kaligtasan at kalusugan ng publiko upang makatulong sa pagpuksa sa pagkalat ng coronavirus.
“If we can train enough volunteers from both health and non-health sectors, sila ang magiging ‘army’ of public health field workers and barangay health workers trained to track down every case should the situation get worse,” ayon pa kay Binay. NOEL ABUEL
181
