Sa medical, economic frontliners RT-PCR TEST SAGOT NG PHILHEALTH

TUTUSTUSAN ng state-run Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang halaga ng RT-PCR COVID-19 test ng isang indibidwal subalit kailangan na ma-meet nito ang ilang kondisyon.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sa ilalim ng testing protocol ng bansa, ang PhilHealth ang siyang magbabayad ng RT-PCR test ng medical frontliners, economic frontliners, iyong mga na-expose sa pasyenteng may COVID-19 patient at iyong mga may sintomas ng COVID-19.

“At most, ang babayaran ay P300. Hindi naman po tama na sabihìn natin na hindi tayo nakakapagbigay ng libreng testing,” ani Sec. Roque.

“Wala pong dahilan na hindi ka makakuha ng libreng RT-PCR test kung ikaw ay qualified,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Sa ulat, may ilang local government units sa Metro Manila ang nag-aalok ng libreng COVID-19 reverse transcription – polymerase chain reaction (RT – PCR) swab tests upang matugunan ang pagtaas ng bilang ng infected sa rehiyon.

Kabilang sa LGUs na nag-aalok ng libreng RT-PCR test ang Caloocan, Manila, Taguig at Quezon City. (CHRISTIAN DALE)

193

Related posts

Leave a Comment