SA MGA APPOINTEE NAGSISIMULA ANG CORRUPTION

DPA Ni BERNARD TAGUINOD

 

ISA sa tradisyunal na ipinapangako sa atin ng mga kandidato kapag panahon ng kampanya ay lalabanan nila ang katiwalian, tatapusin nila ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at paparusahan ang mga magnanakaw upang magsilbing babala sa mga nagbabalak pa na magnakaw.

Sinumang kandidato na alam ng mga botante na malabong magnakaw ay iluluklok nila sa kapangyarihan dahil pagod na at ubos na ang pasyente ng mga botante sa mga kawatan sa pamahalaan.
Naging tradisyon na lang ang ‘political promises” na ito kapag panahon ng halalan dahil kapag naluklok na sa kapangyarihan na nangako ng langit at lupa laban sa katiwalian, nagpapatuloy pa rin ang katiwalian.

Saan nagkamali ang mga tao? Sa inihalal na pangulo ng bansa o sa mga taong inilalagay ng nahalal na pangulo sa iba’t ibang ahensya?.

Naniniwala ako na may mga nahalal na pangulo ang hindi corrupt. Isa na dyan si Pangulong Rodrigo Duterte dahil naniniwala ako na galit sya sa mga corrupt. Pasensya na sa mga anti-Duterte pero hindi ako DDS ha.

Si Duterte, puwedeng hindi sya magnanakaw pero ang mga tao niya na iniluklok sa iba’t ibang ahensya ang nasasangkot sa katiwalian at hindi nalilinis ang mga tiwali sa ahensyang ipinagkatiwala sa kanya na pamunuan.

Hindi nila nalilinis sa mga tiwali ang kanilang ahensya at parang kapag nasa poder na sila, one of the boys na sila. Sumama na sila sa agos ng katiwalian, na-corrupt na sila ng mga taong nadatnan nila sa ahensyang pinaglagyan sa kanila.

Tandaan natin na ang tanging ang Pangulo ang ating pinagkatiwaliaan at iniluklok natin sa Malacanang pero kapag binuo na niya ang kanyang gobyerno, wala na tayong kontrol kung sino ang nais nilang ilagay sa iba’t ibang posisyon sa kanyang pamahalaan.

Hindi natin sila kilala, hindi natin sila ihinalal pero nasa poder sila dahil sa tiwala sa kanila ng pangulo na hindi sila magnanakaw at lalabanan ang katiwalian sa ahensyang ipinagkatiwala sa kanila.

Yung mga in-appoint naman sa matataas na puwesto, kukuha naman ng kanyang sariling tauhan para tumulong sa kanya sa kanyang trabaho…hindi rin natin sila kilala.

Pero ang nangyayari, kapag naluklok na sa poder ang mga taong pinagkatiwalaan ng Pangulong ihinalal natin, marami na sa kanila ang nagsasamantala, marami sa kanila ang wala talagang alam

sa kanilang trabaho, marami sa kanila ang incompetent.

Ang mga taong ito ay magnanakaw at hindi ang taong nagtiwala sa kanila. Sila ang sumisira sa imahe ng kanilang appointing officer at kapag sumabog ang kanilang kababalaghan sasabog iyan sa

mukha ng taong nagluklok sa kanila.

Kahit noong nakaraang administrasyon, maraming opisyal noon ay yumaman pagkatapos ng termino ng kanilang boss. Sila ang nagpakasasa sa kapangyarihan na ibinigay sa kanila ng kanilang boss.

Maaaring hindi ang kanilang boss ang corrupt pero nangyayari pa rin ang katiwalian dahil sa mga taong nagsasamantala habang sila ay nasa poder. May naririnig nga ako noon na nagsasabi “pagkakataon na natin ito”.

Karamihan sa mga appointees hindi pagsisilbi sa bayan ang hangad. Pagsasamantala ang ginagawa nila. Inuulit ko hindi lahat ng mga appointee ha pero marami.

184

Related posts

Leave a Comment