Sa pagbawi ni Duterte sa moratorium PINOY MAPUPURDOY SA CASINO

HINDI malayong huhuthutin lang ng mga casino operator ang savings ng mga Filipino sa panahon ng pandemya matapos tapusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang moratorium sa pagbibigay ng mga bagong lisensya sa mga casino.

Ito ang ikinababahala ni Deputy Speaker Eddie Villanueva matapos kumpirmahin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tapos na ang tatlong taong moratorium sa pagbibigay ng lisensya sa mga bagong casino.

Sinabi ng mambabatas na sobra ang pagtitipid ng mga Filipino sa panahon ng pandemya dahil walang kasiguraduhan kung kailan ito matatapos.

“Sadly, allowing casinos to operate again will only open a pipe dream trap for Filipinos to gamble away their pandemic-stricken savings for a slim chance of gaining more,” ani Villanueva.

Kabilang ang mambabatas sa ilang miyembro ng Kamara na kontra sa anomang uri ng sugal dahil wala umanong kabutihan ang idinudulot nito sa pamilyang Filipino at nagiging daan ito sa pagkawasak ng isang tahanan.

Labis ding ikinababahala ng mambabatas ang paglala ng online gambling sa bansa na posibleng maging dahilan para maging sentro ng ganitong uri ng pasugal ang Pilipinas.

And as our countrymen suffer from the evils of gambling, we risk becoming turn the online gambling capital of Asia, if not of the world, catering to foreign patrons from countries that have themselves banned gambling for the moral and social evils it creates,” dagdag pa ng solon.

Ginawa ng kongresista ang pahayag dahil sa pagsulpot ng online sabong sa panahon ng pandemya kung saan hindi na kailangang pumunta sa cockpit arena ang mga nagsusugal para tumaya dahil idinadaan na ito sa internet.

Bukod ito sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na online din at ang mga parukyano ay mga sugarol sa ibang bansa partikular na sa China. (BERNARD TAGUINOD)

131

Related posts

Leave a Comment