Sa pagkamatay ng empleyado KOMPANYA SA C. VISAYAS SINUSPINDE NG DOLE

patay

NAGPALABAS ang Department of Labor and Employment- Central Visayas Pro-7  ng temporary work stoppage order laban sa kumpanya ng pagkain at inumin (food and beverages) sa Mandaue City matapos mamatay ang isa nitong manggagawa habang naglilinis ng pulverizing machine.

Ayon kay Marites Mercado, hepe ng Tri-City Field Office ng DOLE-7, nagpalabas ng work stoppage order laban sa Universal Robina Corp. (URC) noong Lunes, Hunyo 6, dahil paglabag sa safety protocols para sa kanilang mga manggagawa na nagresulta sa pagkamatay ng isang Stephen Corilla noong Hunyo 2.

Namatay si Corilla makaraang mahigop sa pulverizing machine nang aksidente umanong umandar ang makina habang nasa loob pa ang biktima.

Dagdag pa nito, hindi aalisin ang work stoppage order hangga’t makapagsumite ang URC ng kinakailangang dokumento na isasailalim sa validation ng mga labor inspector ng DOLE.

Nagpataw rin ang DOLE-7 ng P100,000 na multa laban sa URC dahil sa paglabag sa DOLE-7 Department Order 198-18 na siyang implementing rules and regulations ng Republic Act No. 11058 na tinawag na “An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards and Providing Penalties for Violations Thereof.” (RENE CRISOSTOMO)

100

Related posts

Leave a Comment