Sa pamamagitan ng E-TRACC BOC ISINULONG ANG CARGO MONITORING

Ni JOEL O. AMONGO

Pormal na isinulong sa lahat ng mga Ports ng Bureau of Customs sa buong bansa ang maayos na cargo monitoring sa pamamagitan ng ipinagmamalaking Electronic Tracking of Containerized Cargo o E-TRACC System.

Ito daw ay para sa layuning lalo pang mapahusay ang kalakalan at pagpapalakas sa border protection ng bansa dahil ang E-TRACC System ay isang real-time monitoring ng paggalaw ng iba’t ibang mga kargamentong pumapasok sa bansa gamit ang mga makabagong Information and Communications Techno­logy-Enabled System.

Nabatid kamakailan lamang, sa pamamagitan ng E-TRACC ay napag-alaman na may kabuuan nang 63,642 completed trips o 54.98 porsyento ng mga pangunahing biyahe ngayong taon mula sa Port of Discharge pagtungo sa Philippine Export Processing Zone Authority (PEZA) habang ang natitirang 45.02 porsyento ng mga pagbiyahe ay maayos na nai-deliver sa mga Cold Storage Warehouse, Customs Bonded Warehouse (CBW) Imports, Container Yard/Container Freight Station accounts, CBW Exports, at yung iba naman ay mga condemned trips.

Karamihan sa mga nakakakumpleto ng biyahe ng mga kargamento ay mula sa Port of Manila, Manila International Container Port, Port of Batangas, Port of Subic, Port of Cebu, Port of Davao, at Port of Cagayan De Oro na mga sangay ng BOC na unang nagpatupad ng E-TRACC system.

Bukod sa kumpletong byahe ng mga kargamento mula sa BOC Ports patungo sa pagdadalhan nito, naitala din sa pamamagitan ng E-TRACC ang ilang mga apprehension at alerts na agad nirespondehan ng Enforcement Security Service – Quick Response Team (ESS-QRT).

Sa pamamagitan ng paggamit ng E-TRACC, siguradong secured at naaalagaang mabuti at nasa tamang oras ang delivery at byahe ng lahat ng kargamento na dumarating sa BOC.

Epektibo rin itong paraan na mapigilan ang mga maling delivery ng containers at sa pamamagitan nito ay maiiwasan na ang pagkawala ng mga containers o hindi awtorisadong paglihis ng mga tagadala at misdelivery.

Ang E-TRACC ay kabilang sa automation projects ng BOC na isa sa pinaniniwalaang tagumpay sa kalakalan at prinsipyong ease of doing business.

Ang sistemang ito rin ang nagtanggal sa pag-iisyu ng Boat Note o manual na pagbabantay ng mga BOC ports sa mga containers at kargamento dahil ang E-TRACC system ay kayang i-monitor lahat ng inland movements.

162

Related posts

Leave a Comment