Sa unang BARMM Parliamentary election ARMY 6TH INFANTRY DIVISION AT JTFC FULL SUPPORT SA COMELEC

TINIYAK ng pamunuan ng Joint Task Force Central (JTFC) at ng Philippine Army 6th Infantry (Kampilan) Division, na nasa ilalim ng pamumuno ni Major General Donald M. Gumiran, sa Commission on Election na higit pa nilang paiigtingin ang security preparation para sa gaganaping kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary election.

Tiniyak ng mga sundalo na ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na nila para masiguro na magiging mapayapa at matiwasay ang gaganaping parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa darating na Oktubre 13, 2025.

Ipinarating ni Brigadier General Patricio Ruben P. Amata, Assistant Division Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division, na siyang kumakatawan kay Maj. Gen. Gumiran, kay COMELEC Chair George Erwin Garcia ang buong suporta ng Army 6ID at Joint Task Force Central, sa ginanap na Regional Joint Security Control Center (RJSCC) Meeting noong Miyerkoles.

Ang pagpupulong ay ginanap sa 6ID Headquarters sa Camp Siongco, Awang, Maguindanao del Norte na dinaluhan ng mataas na opisyal ng Commission on Elections (COMELEC), Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police para talakayin ang security preparations para sa BARMM’s first-ever parliamentary elections.

Pinangunahan ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang dialogue, kasama sina Commissioners Aimee Ferolino at Maria Norina Casingal, Executive Director Teopisto Elnas, BARMM Regional Director Ray Sumalipao, at provincial election officers mula Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, SGA, Basilan, at Tawi-Tawi.

Ayon kay Chairman Garcia, may historical significance ang magaganap na October polls kaya kailangan nila ang maximum protection ng Comelec personnel at gagamiting mga pasilidad. “We are ready for this democratic exercise, and we need the full support of our security sector,” ani Garcia.

Tugon naman ni Brig. Gen. Amata, matitiyak ng COMELEC ang military’s full commitment para pangalagaan ang lahat ng election workers at masiguro ang integridad ng magaganap na botohan. “We stand ready to provide all necessary support before, during, and after the election period. Securing democracy is our shared duty,” ayon sa opisyal.

Kasama ni BGen. Amata ang key military leaders sa Central Mindanao, kabilang si Brig. Gen. Edgar Catu, commander ng 601st Infantry Brigade, at Brig. Gen. Ricky Bunayog, commander ng 602nd Infantry Brigade, maging si Police Brig. Gen. Jaysen De Guzman, ang bagong hirang na Regional Director ng Police Regional Office–BARMM (PRO-BAR). Kasama rin sina Brig. Gen. Mario D. Jacinto, commander ng 1101st Brigade, at Brig. Gen. Billy O. Dela Rosa, commander ng 103rd Brigade.

Para ipakita ang kanilang full support ay isinama rin ang 1st Marine Brigade at mga tauhan mula sa 5th and 6th Marine Battalions sa ginanap na pagpupulong para higit pang mapalakas ang joint security posture sa buong rehiyon.

(JESSE KABEL RUIZ)

23

Related posts

Leave a Comment