Sabotahe sa oath-taking ni Marcos Jr. INTEL REPORT ‘DI PWEDE BALEWALAIN – DILG

(JESSE KABEL)

BAGAMAT wala pang nakakalap na matibay na basehan, mas pinili ng Department of Interior and Local Government (DILG) na busisiin nang husto ang ibinahaging impormasyon ni dating Senador Juan Ponce Enrile hinggil sa umano’y planong pananabotahe sa mismong araw ng panunumpa bilang ika-17 Pangulo ni Ferdinand Marcos Jr.

Sa ginanap na pulong sa Kampo Crame kahapon, nilinaw ni DILG Secretary Eduardo Año na wala pa silang verified information kaugnay ng planong pamamahiya ng mga grupong nakabase sa Estados Unidos at Pilipinas.

Una nang sinabi ng 98-anyos na dating senador na may natanggap siyang impormasyon hinggil sa ilang kilalang indibidwal na nakabase sa Estados Unidos. Aniya, pinaplano ng naturang grupo – sa pakikipag-ugnayan ng ilang personalidad na nakabase sa Pilipinas – ang pananabotahe sa inagurasyon ni Marcos Jr.

“I just picked up what I consider to be credible information that there are groups in America and in the Philippines planning and preparing to cause serious embarrassment and trouble for our newly elected President,” ani Enrile.

“Caution is the name of the game. You are just starting your journey in troubled waters. Your adversaries have not stopped,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, hindi naman binanggit kung anong antas ng “pananabotahe” ang planong isagawa kontra sa susunod na Pangulo.

Pagtitiyak ni Año, nakahanda ang Philippine National Police (PNP) sa anomang tangkang panggugulo sa Hunyo 30, kasabay ng giit na mayroon na silang nakalatag na security plan, sakaling tangkaing manggulo ng mga komunista.

144

Related posts

Leave a Comment