SC APRUB SA BAGONG PATAKARAN: MALINAW NA RULES SA CLASS AT COURT SUSPENSIONS TUWING KALAMIDAD

INAPRUBAHAN ng Korte Suprema ang mga bagong alituntunin para sa pagsuspinde ng pasok at operasyon ng mga trial court tuwing may kalamidad, transport strike, o iba pang aberya.

Sa isang resolusyon na may petsang Oktubre 28, pinagtibay ng SC en banc ang guidelines na magtitiyak ng malinaw at uniform na proseso ng suspensyon alinsunod sa Strategic Plan for Judicial Innovations (SPJI) 2022–2027, na layong palakasin ang kahusayan sa pamamagitan ng mas desentralisadong pamamahala ng mga korte.

Sa ilalim ng bagong sistema, papayagan na ang limitadong delegasyon ng kapangyarihang magsuspinde sa Office of the Court Administrator (OCA), pati na rin sa Office of the Regional Court Manager (ORCM) at mga Executive Judge sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Gayunman, nananatiling hawak ng Punong Mahistrado ang pinakamataas na awtoridad sa pagpapasya kung kailan isususpinde ang trabaho at operasyon ng mga korte.

Bukod sa mga bagyo at natural na sakuna, saklaw din ng mga alituntunin ang transport strikes, utility interruptions, lokal na holidays, at mga pagdiriwang gaya ng mga fiesta at araw ng charter.
Kamakailan lamang, sinuspinde rin ang operasyon ng ilang korte dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Tino.

(JULIET PACOT)

56

Related posts

Leave a Comment