SCIENTIFIC STUDY PAIRALIN SA MOTORCYCLE BACKRIDING – SOLON

NANAWAGAN si Senador Christopher Bong Go sa Inter-Agency Task Force (IATF) at National Task Force for COVID-19 na ikonsidera ang scientific study at iba’t ibang panukala para sa motorcycle backriding para makatugon sa kinakailangang health and safety protocols ang mga motorcycle driver, backriders at ang publiko.

Sinabi ni Go na bagama’t pinapayagan na ng pamahalaan ang backriding partikular ng mga couple, hinimok naman nito ang mga concerned agency na kumonsulta rin sa mga safety expert para matukoy ang mga mas epektibong measures.

Iginiit nito na dapat bigyan ng mga ahensiya ang mga Pinoy ng mabisang solusyon at hindi dagdag na konsumisyon habang tinitiyak na ligtas ang mga shield o anomang ikakabit sa mga motorsiklo para maiwasan ang aksidente.

Una nang tiniyak ni Go ang kanyang suporta sa desisyon ng IATF na payagan ang backriding sa mga mag-asawa dahil limitado pa rin ang public transportation options pero dapat masiguro ang mga safety  measure na gagamitin.

Dagdag pa ni Go, bukod sa pagsunod sa mga batas trapiko, kailangang masiguro na ang sinasakyang motor ay road-worthy kaya kailangan ang disenyo na ire-require ay ligtas at hindi magiging sanhi ng aksidente at mapipigilan ang pagkalat ng sakit. (NOEL ABUEL)

94

Related posts

Leave a Comment