SEN. IMEE NAMAHAGI NG P6M AICS SA ‘PAENG’ VICTIMS

NAMAHAGI si Sen. Imee Marcos ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at nutribun sa Misamis Oriental sa mga biktima ng Bagyong Paeng noong Linggo, Nobyembre 13, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Sa pamamagitan ng kanyang inisyatiba, namahagi si Senador Marcos ng ayudang tig-P3,000 sa 2,000 benepisyaryo sa Cagayan De Oro City at sa munisipyo ng Tagoloan na nagkakahalaga ng kabuuang P6M mula sa DSWD.

Namigay rin siya ng mga nutribun, mainit na champorado at mga laruan para sa 200 bata sa CDO at Tagoloan.

Samantala, nag-donate ng P200,000 ang Philippine Jin Jian Association Misamis Oriental Chapter para sa nutribun feeding program ni Sen. Marcos.

Sa nasabing okasyon, tumanggap din si Sen. Marcos ng plake ng pagpapahalaga para sa kanyang huwarang programa para sa bata at mahihirap na pamilya habang pinasalamatan naman niya ang samahan ng mga negosyanteng Filipino-Chinese sa Misamis Oriental.

Nauna rito, namahagi si Marcos ng P3M AICS sa 1,000 katao sa Davao city at 1,000 nutribuns sa mga kabataang may problema sa nutrisyon.

Kasama ni Marcos si Vice-President Sara Duterte sa nasabing okasyon, kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan nitong Sabado. (ESTONG REYES)

205

Related posts

Leave a Comment