SENATOR WIN SERYOSO KAY BIANCA MANALO

At 45, tila seryoso na ang bachelor senator na si Sen. Sherwin `Win’ Gachalian sa kanyang relasyon sa dating beauty queen-turned actress na si Bianca Manalo.

Ang misis na ngayon ni Vic Sotto na si Pauleen Luna-Sotto ang unang showbiz girlfriend ni Sen. Win pero ito’y nauwi sa hiwalayan.  Ngayong lang muli naugnay ang binatang senador sa isang showbiz personality.

Bago si Sen. Win ay naging kasintahan ni Bianca ang mayor ng Pandan, Antique na si Joanathan Tan.  Si John Prats ang unang showbiz boyfriend ni Bianca na sinundan ng Brazilian-Japanese model-actor at entrepreneur na si Favio Ide.

Sina John at Bianca ay matagal-tagal na ring magkatrabaho sa “FPJ’s Ang Probinsiya” at silang dalawa rin ang magka-love interest.

Isa si Sen. Win sa hinuhulaang magpu-propose sa taong ito.

 

343

Related posts

Leave a Comment